Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,628
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (June 5, 3:00 PM) pumalo na sa 1,628 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 21 na panibagong kaso.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
• Cavite – 380
• Laguna – 482
• Batangas – 205
• Rizal – 454
• Quezon – 107
Nasa 859 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 2 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
• Cavite – 144
• Laguna – 304
• Batangas – 108
• Rizal – 229
• Quezon – 74
Nadagdagan ng 3 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon kaya umabot na ito sa 162.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
• Cavite – 30
• Laguna – 36
• Batangas – 26
• Rizal – 61
• Quezon – 9
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.