Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin ayon sa PAGASA
Makararanas ng pag-ulan ang ilang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan dulot ng thunderstorm.
Ayon sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 3:14 ng hapon, June 5, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Pampanga at Batangas sa susunod na mga oras.
Nararanasan na rin ang parehong lagay ng panahon sa San Jose Del Monte sa Bulacan.
Ang mga residente sa mabababang lugar ay pinapayuhan na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.