Record-high unemployment rate naitala noong buwan ng Abril

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2020 - 09:54 AM

Nakapagtala ng record-high na unemployment rate ang pamahalaan noong nakalipas na buwan ng Abril 2020.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 17.7 percent na unemployment rate noong Abril.

Katumbas ito ng 7.3 million na Filipino na pawang jobless o walang trabaho.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa ang unemployment rate noong April 2020 ang maituturing nang pinakamataas simula ng ipatupad ng PSA ang pagbabago sa methodology sa pagsukat ng ’employment’ noong April 2005.

Samantala, noon ding buwan ng Abril 2020 naitala ang mataas na underemployment rate.

Pumalo sa 18.9% ang underemployment para sa nasabing buwan o katumbas ng 6.4 million na Pinoy na underemployed.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, psa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, underemployment, unemployment rate, Inquirer News, News in the Philippines, psa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, underemployment, unemployment rate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.