Bilang ng nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 mahigit 34,000 na
Sumampa na sa mahigit 600,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.
Sa magdamag, nakapagtala ng mahigit 31,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Sa ngayon umabot na sa 615,879 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 doon.
Nakapagtala din ito ng panibagong mahigit 1,400 na nasawi dahil sa sakit.
Dahil dito mahigit 34,000 na ang death toll sa COVID-19 ng Brazil.
Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.
Ang Brazil ay pangatlo na sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.