Comelec pinag-aaralan na ang isyung labag sa Comelec rules ang magaganap na Pacquiao-Bradley fight
Inatasan na ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang law department ng poll body para alamin kung may paglabag sa Comelec rules ang magaganap na rematch nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, aminado si Bautista na may “gray area” sa nasabing isyu dahil walang malinaw na rulings tungkol dito.
Ang tanging nakasaad aniya sa rules ng Comelec ay kinakailagang ang mga kandidatong TV at Radio personalities ay dapat maghain ng leave of absence sa kani-kanilang programa sa telebisyon at radyo para hindi nila magamit ang air time sa pangangampanya.
Kung ang isang kandidato naman ay may ini-endorsong produktong, kinakailangan din niyang itigil ang kaniyang endorsements sa panahon ng kampanyahan.
Sa kaso ni Pacquiao, sinabi ni dating Akbayan Party List Rep. Walden Bello na hindi dapat ituloy Pacquiao – Bradley fight sa April 2016 dahil pasok pa ito sa election period.
Magiging unfair aniya ito sa ibang kandidato dahil makagagamit si Pacquiao ng labis-labis na libreng air time dahil tiyak namang i-eere sa telebisyon at radyo ang nasabing laban.
Kasabay nito ay hinikayat ni Bautista si Bello na pormal na isampa sa Comelec ang kaniyang reklamo hinggil sa nasabing isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.