Pangulong Duterte, hindi sesertipikahang urgent ang “Bayanihan 2” sa ngayon – Palasyo
By Angellic Jordan June 04, 2020 - 08:20 PM
Hindi sesertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang “Bayanihan to Recover as One Act” sa ngayon, ayon sa Palasyo ng Malakanyang.
Inihayag ito ni Presidential spokesman Harry Roque matapos ang sine die adjournment sa unang regular session ng 18th Congress.
Sa pagtatapos ng sine die adjournment, hindi naipasa ang Senate Bill No. 1564 o tinawag na “Bayanihan 2.”
Layon nito na mapalawig ang Bayanihan We Heal as One Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.