Sen. Tolentino, pinuri ang suspensyon ng paglusaw sa PH-USA VFA
Kapuri-puri, ayon kay Senator Francis Tolentino, ang ginawang pagbawi pansamantala sa naunang utos ni na pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at US.
Sinabi ni Tolentino na pagpapakita ito na kapakanan ng bansa at sambayanan ang palaging iniisip ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang privilege speech, pinuri ng senador ang Punong Ehekutibo dahil ibinase nito ang kanyang desisyon sa pambansang interes at para tiyakin ang buhay at kalayaan ng mga Filipino.
“Flexibility is at the heart of effective leadership, and effective leadership is central to good governance,” sabi ni Tolentino.
Pagpapakita din ito aniya ng pagpapakumbaba ni Pangulong Duterte at tinimbang niya ang malawak na kasaysayan ng matibay na pakikipagrelasyon ng Pilipinas sa Amerika.
Naniniwala ito na magbubunga ng magagandang oportunidad para palakasin ang pambansang seguridad ng Pilipinas gayundin para maging proteksyon sa mga banta sa labas ng bansa ang pagpapatuloy ng kasunduan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.