Tulong-pinansyal sa pamilya ng mga nasawing front liner hindi pa rin naibibigay

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2020 - 12:42 PM

Wala pang natatanggap na tulong-pinansyal mula sa gobyerno ang pamilya ng mga front liner na nasawi dahil sa COVID-19.

Maging ang cash assistance na dapat matanggap ng mga front liner na tinamaan ng COVID-19 ay hindi pa naibibigay ng gobyerno.

Ayon kay Senator Richard Gordon, naghain siya noon ng amyenda sa Bayanihan To Heal As One Law para matiyak na mabibigyan ng tulong pinansyal ang mga front liners.

Kabilang aniya sa isinulong niya at naipasa naman ay ang mabigyan ng P1 million ang pamilya ng mga nasawing front liners at P100,000 sa mga nagkaroon ng COVID-19 dahil sa kanilang trabaho.

Gayunman, ani Gordon, napag-alaman niyang hanggang ngayon ay wala pang nabibigyan ng ayuda.

Maituturing itong “serious neglect” ayon sa senador.

Nanawagan si Gordon sa lahat ng concerned agencies na tumupad sa isinasaad ng batas.

TAGS: Bayanihan To Heal As One Law, cash aid, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Richard Gordon, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bayanihan To Heal As One Law, cash aid, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senator Richard Gordon, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.