OFW na umuwi ng Davao Oriental sa ilalim ng Balik Probinsya Program nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2020 - 10:12 AM

Nakapagtala ng isang bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Davao Oriental.

Sa ngayon ang lalawigan ay mayroon nang 13 kumpirmadong kaso ng sakit.

Ayon sa provincial government ng Davao Oriental ang pasyente ay isang 36 anyos na lalaking OFW na umuwi noong May 29 sakay ng sweeper flight sa ilalim ng Balik Probinsya Program ng pamahalaan.

“This newest positive case registered in the province is a 36-year-old, male Overseas Filipino Worker (OFW) who is a resident of the municipality of Caraga. He arrived in the province on May 29, 2020 via sweeper flight through the Balik Probinsya Program of the national government,” ayon sa pahayag ng provincial government.

Nang dumating sa Davao International Airport sa Davao City ay agad dinala ang pasyente sa Quarantine Facility sa bayan ng Caraga.

Bahagi ito ng standard protocol ng Provincial Task Force on COVID-19 kung saan lahat ng umuuwi sa probinsya ay isasailalim sa re-swab kahit nag-negatibo na sila sa RT-PCR test sa Metro Manila.

Isasailalim din sa swab test ang apat na naging direct contacts ng pasyente na kinabibilangan ng driver at health workers.

 

 

 

 

 

TAGS: Caraga, covid pandemic, COVID-19, davao oriental, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ofw, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Caraga, covid pandemic, COVID-19, davao oriental, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ofw, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.