‘Kalma lang’ sa paglalagay ng China ng military facility sa South China Sea-Malacañang

By Alvin Barcelona, Jay Dones February 18, 2016 - 04:35 AM

 

AFP Photo/Inquirer.net

Pinayuhan ng Malacañang ang iba pang claimant countries na maging mahinahon sa panibagong pag-aasar ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.

Sa harap ito ng balitang nagtatayo na ang China ng military base sa Woody Islands sa Paracels.

Ipinaalala ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang nakasaad sa Section 5 ng 2002 Declaration of Conduct na dapat iwasan ng mga partido sa South China Sea ang paggawa ng mga hakbangin na lalong magpapataas ng tensyon sa rehiyon.

Sa ngayon aniya ay bineberipika pa nila kung totoong nagtayo na ng military station ang Beijing sa Woody islands.

Tiniyak naman ni Lacierda na oras na matapos ang kanilang ginagawang beripikasyon ay agad na maglalabas ng kaukukang pahayag tungkol dito ang Department of Foreign Affairs o DFA.

Una rito, iniulat ng Fox News, naglagay na umano ng dalawang ‘missile batteries’ na nagtataglay ng walong surface-to-air missile launchers ang China sa Woody island.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.