Bilang ng nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 mahigit 30,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2020 - 06:55 AM

Sumampa na sa mahigit kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa magdamag, nakapagtala ng mahigit 25,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Sa ngayon umabot na sa mahigit 555,000 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 doon.

Nakapagtala din ito ng panibagong mahigit 1,100 na nasawi dahil sa sakit.

Dahil dito mahigit 31,000 na ang death toll sa COVID-19 ng Brazil.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Habang nasa pang-apat naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

 

 

 

TAGS: Brazil COVID cases, brazil covid death toll, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Brazil COVID cases, brazil covid death toll, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.