LPA na binabantayan ng PAGASA posibleng malusaw ngayong araw

By Mary Rose Cabrales June 03, 2020 - 05:54 AM

Mababa ang tyansa na maging isang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA at ito ay may posibilidad na malusaw na ngayong araw ng Miyerkules (June 3).

Ayon sa 4AM weather advisory, sinabi ng weather specialist na si Meno Mendoza, huling namataan ang LPA sa 635 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan at 610 kilometers silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Wala namang epekto ang LPA sa bansa.

Samantala, nakakaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Palawan, Western Visayas, at Mindanao kaya asahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Maaliwalas na panahon naman ang mararanasan ngayong araw sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero asahan na ang mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms sa hapon o gabi.

Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat kaya malayang makapaglalayag ang mga mangingisda at may mga may maliliit na sasakyang pandagat.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Aurora, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Aurora, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.