Public transport officials, hinamon ni Sen. Nancy Binay na mag-commute

By Jan Escosio June 02, 2020 - 06:03 PM

Senate PRIB photo

Pinuna ni Senator Nancy Binay ang kawalan ng malinaw na plano sa pagbabalik ng public transport system kayat nagkaroon ng kalituhan at kaguluhan sa bahagi ng mga mananakay.

Kayat hamon niya sa mga government transport officials, sumakay sila ngayon ng mga pampublikong sasakyan mula sa kanilang bahay papasok ng trabaho para aniya maranasan ng mga ito ang hirap na dinaranas ng mga commuter.

Ayon kay Binay, malinaw na hindi handa ang gobyerno para sa maayos na sistema ng pampublikong transportasyon sa pagpapatupad ng general community quarantine dahil hirap na makasakay ang mga papasok sa trabaho.

“Napaka-unfair sa commuters na yung mga private vehicles walang restrictions bumyahe. Napaka-limitado ng choices nila. DOTr knew that Metro Manila and the rest of the regions will soon be transitioning to the new normal. They knew that 30% of those in NCR will start going to work by June 1–tapos ang idi-deploy eh truck ng libreng sakay which compromise and breach all health protocols particularly physical distancing,” dagdag na puna pa ng senadora.

Nakikita din ni Binay ang pagpabor sa ilang grupo sa sektor ng pampublikong transportasyon at pagbalewala naman sa bus at jeepney na kapwa pangunahing sinasakyan ng mamamayan.

TAGS: Inquirer News, public transport during GCQ, public transport officials, Radyo Inquirer news, Sen. Nancy Binay, Inquirer News, public transport during GCQ, public transport officials, Radyo Inquirer news, Sen. Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.