Higit 16,000 OFWs, inaasahang makakauwi ng Pilipinas sa Hunyo
Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit 16,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang inaasahang makakauwi ng Pilipinas sa buwan ng Hunyo.
Sa press briefing, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kabuuang 16,679 OFWs ang darating sa bansa sa nasabing buwan.
Ang nasabing bilang ng OFW kasi aniya ang nakakumpleto ng mga dokumento para makauwi ng Pilipinas.
Kabilang dito ang exit visa, clearance mula sa kani-kanilang employers at ticket pauwi ng bansa.
Sa ngayon, sinabi ng kalihim na mahigit 1,000 na sa 16,679 ang nakauwi ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.