Publiko hindi dapat mangamba sa anti-terrorism bill
Walang dapat na ipangamba ang publiko sa anti-terrorism bill.
Sinabi ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas.
Ayon kay Lorenzana maaring maipasa na sa kongreso ang panukala bago ang recess sa June 5.
Layon ng batas ani Lorenzana na protektahan ang karapatang pantao at parusahan ang mga mapang-abuso sa batas.
Samantala sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na “very timely” para sa pag-iral ng new normal ang anti-terrorism bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.