LPA binabantayan ng PAGASA sa Aurora; Palawan at Mindanao apektado ng ITCZ

By Dona Dominguez-Cargullo June 02, 2020 - 06:36 AM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 770 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza maliit ang tsansa na maging isang bagyo ang LPA at inaasahang malulusaw lang din sa susunod na 36 na oras.

Apektado naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan at Mindanao.

Dahil sa ITCZ, ang Palawan, Zamboanga Peninsula, BARMM, at SOCCSKSARGEN, ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin dahil din sa ITCZ.

Habang ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang din ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

 

 

TAGS: Aurora, Casiguran, Inquirer News, ITCZ, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Aurora, Casiguran, Inquirer News, ITCZ, LPA, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.