Lalawigan ng Apayao nakapagtala na ng unang kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo June 02, 2020 - 06:27 AM

Mayroon nang naitalang unang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Apayao.

Ang pasyente ay na-admit sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ayon sa medical chief ng ospital na si Dr. Glenn Baggao.

Kahapon (June 1) ng tanghali nang dinala sa nasabing ospital ang pasyente na kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Apayao.

Ang pasyente ay isang 28 anyos na babae at health worker mula sa ospital sa Conner, Apayao.

Asymptomatic ang pasyente at ngayon ay nasa isolation ward ng ospital.

Ayon kay Baggao, isasailalim ang pasyente sa second swab test sa mga darating na araw.

Dahil sa bagong kaso, naputol ang mahigit isang buwan nang pagiging zero COVID-19 positive ng Region 2.

 

 

TAGS: Apayao, Cagayan, COVID-19, Apayao, Cagayan, COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.