Missiles sa Woody island, self-defense lang – China

By Kathleen Betina Aenlle February 18, 2016 - 03:16 AM

 

ImageSat International Photo
ImageSat International Photo

Iginiit ng China na self-defense at self-preservation lamang ang pakay ng pagpapadala nila ng surface-to-air missiles sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Ito’y makaraang lumabas ang report na nagpadala ng missiles ang China sa Woody island sa Paracel group na pinag-aagawan ng China, Vietnam at Taiwan.

Hindi naman diretsahang kinumpirma ni Chinese Foreign Minister Wang Yi kung nagpadala nga talaga sila ng missiles tulad ng sinasabi sa report ng Taiwan.

Paliwanag ni Wang, sa ilalim ng international law, may karapatan ang China na mag-tayo ng self-defense facilities sa mga isla at bahurang kinaroroonan ng mga Chinese personnel.

Depensa pa niya, nagpadala man sila ng missiles o hindi, nasasakop ito ng soberanya ng China at wala itong kinalaman sa militarisasyong pinangangambahan ng ASEAN leaders.

Inakusahan pa ni Wang ang media na pinapalaki lamang ang tensyon sa South China Sea, kaya naman pinayuhan niya pa ang mga ito na pag-tuunan na lamang ng pansin ang mga lighthouse na itinayo nila sa ilang mga isla.

Dapat rin aniyang ituon ng media ang kanilang atensyon sa mga “public goods and services” na idinudulot ng mga development na ginagawa nila sa mga islang kanilang inaangkin.

Magugunitang karamihan sa mga ASEAN leaders na nag-pulong sa California kasama si President Barack Obama, ay nagpahayag ng kanilang pagka-bahala sa nagpapatuloy na militarisasyon sa rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.