P11.7-B budget sa contact tracers ipambili na lang ng mga gamot – Sotto

By Jan Escosio June 01, 2020 - 07:25 PM

Inihirt ni Senate President Vicente Sotto III kay Health Secretary Francisco Duque III na huwag nang ituloy ang pagkuha ng contact tracers na layong mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.

Ayon kay Sotto, sa kanyang palagay ay mas makakabuti na ipambili na lang ng mga gamot at gamit pang-ospital ang P11.7 bilyon budget para sa pagkuha ng 130,000 contact tracers.

“It will be wiser and more practical to divert the P11.7 billion for the treatment of patients. We need funds to treat our sick kababayans. Mas mahalagang gamitin na lang ang pondong ito para sa pagbili ng mga gamot at medical equipment na makakatulong sa paggaling ng mga pasyente,” katuwiran ni Sotto.

Nangangamba ang senador na masayang ang pondo dahil gagastusin ito sa mga tao na wala namang kasanayan sa trabaho na ibibigay sa kanila.

Naniniwala ito na magiging epektibo lang ang plano ni Duque kung may sapat na pagsasanay ang mga itatalagang contact tracers.

Ngunit, aminado ang namumuno sa Senado na nasa kamay pa rin ni Pangulong Duterte ang pagpapasya sa plano ng DOH secretary.

TAGS: contact tracing, COVID-19 contact tracing, COVID-19 Inquirer, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III, Vicente Sotto III, contact tracing, COVID-19 contact tracing, COVID-19 Inquirer, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.