Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 18,638
Lumobo pa ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (June 1), sumampa na sa 18,638 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
552 ang bagong napaulat na kaso ng pandemiya sa bansa.
Sa nasabing bilang, 119 ang itinuturing na ‘fresh cases’ o resulta ng pagsusuri na lumabas sa nakalipas na tatlong araw.
Nasa 433 naman ang ‘late cases’ o resulta ng pagsusuri na lumabas apat na araw nang nakakaraan o higit pa.
Ayon pa sa DOH, tatlo ang nasawi pa kung kaya ang COVID-19 related deaths ay nasa 960 na.
70 pasyente naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, 3,979 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.