Pagtugis sa mga pumatay sa mga pulis Cagayan iniutos ni Pangulong Aquino
Nangako ang Malacañang na bibigyan ng katarungan ang mga pulis na tinambangan at pinaslang umano ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Baggao, Gagayan.
Ginawa ito Presidential spokesman Edwin Lacierda kasabay ng matinding pagkondena sa nasabing akto ng karuwagan.
Ayon kay Lacierda, iniimbestigahan ng mga opisyal ng Philippine National Police ang nasabing pangyayari.
Sinabi ni Lacierda na tutugisin nila ang sinuman na may kagagawan ng nasabing pag-atake sa mga pulis.
Ang nangyaring ambush ay naganap habang papunta ang mga tauhan ng Regional Public Safety Batattlion sa isang irrigation project ng pamahalaan na umano’y sinira ng ilang armadong kalalakihan.
Nauna nang binatikos ng pamunuan ng PNP ang nasabing ambush.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.