Pangulong Duterte, magkakaroon ng public address sa Davao City sa June 4

By Angellic Jordan June 01, 2020 - 03:03 PM

Magkakaroon si Pangulong Rodrigo Duterte ng public address sa araw ng Huwebes, June 4.

Sa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nasa Davao City ang pangulo para tignan ang sitwasyon sa Mindanao.

Maliban dito, magkakaron din aniya ng official functions ang pangulo sa Davao kabilang ang ulat sa bayan at pulong kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Sinabi ni Roque na pupunta ang ilang miyembro ng IATF sa Davao para sa public address at pulong kasama ang pangulo,

Matatandaang bumiyahe papunta ng Davao City ang pangulo noong Sabado, May 30.

TAGS: IATF, IATF meeting, Inquirer News, President Duterte public address, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Harry Roque, IATF, IATF meeting, Inquirer News, President Duterte public address, Radyo Inquirer news, Rodrigo Duterte, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.