Cebu City Hall of Justice, mananatiling sarado hanggang June 5
Mananatiling sarado ang Cebu City Hall of Justice hanggang sa araw ng Biyernes, June 5.
Ayon kay Cebu City Regional Trial Court Executive Judge Macaundas Hadjirasul, ito ay matapos lumabas sa resulta noong May 27 na positibo sa COVID-19 ang isang agency-supplied personnel.
Dahil dito, hindi pa aniya ligtas na buksan sa publiko ang Cebu City Hall of Justice.
Patuloy namang sasailalim sa quarantine ang mga nagnegatibo hanggang May 15 at may karagdagan pang pitong araw para sa observation period.
Magiging operational pa rin naman aniya ang Cebu City Courts, RTC at MTCC, via online filings at iba pa.
Humingi naman ng paumanhin si Hadjirasul dahil sa pagkaantala ng proceddings sa mga pending case sa Cebu City RTC at MTCC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.