Presyo ng produktong petrolyo may dagdag-bawas simula bukas

By Dona Dominguez-Cargullo June 01, 2020 - 11:04 AM

Magpapatupad ng price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa kanilang produktong petrolyo.

Bawas na 20 centavos ang ipatutupad sa kada litro ng gasolina.

Habang may dagdag naman na 80 centavos sa kada litro ng kerosene at 25 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Ang kumpanyang Shell at Seaoil ay kapwa nag-anunsyo na ng price adjustment epektibo bukas, alas 6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsyo na din ng dagdag at bawas presyo ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

 

 

 

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, price adjustment, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, kerosene, News in the Philippines, price adjustment, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.