Makalipas ang mahigit 3 taon, MRT-3 muling nakapagpabiyahe ng 20 tren
By Dona Dominguez-Cargullo June 01, 2020 - 09:36 AM
Dalawampung train sets ang napabiyahe sa MRT-3 ngayong araw, June 1 na unang araw ng pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Sa 20 bumibiyaheng train sets, 17 ang CKD train sets at tatlo ang Dalian train sets.
Mayroon namang anim na minuto na paghihintay bago dumating ang susunod na tren.
Huling nakapagpabiyahe ng 20 train sets sa MRT-3 ay noong pang March 2017.
Bawat train sets ng MRT-3 ay nagsasakay ng 153 na pasahero o 51 pasahero bawat bagon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.