Yellow lane sa EDSA maaring gamitin ng mga pribadong sasakyan – MMDA
Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang yellow lane na dating para lang sa mga bus ay pwede nang gamitin ng mga pribadong sasakyan.
Pinaalalahanan din ng MMDA ang mga motoristang dadaan sa mga tunnel sa EDSA na ang dalawang right most lanes mula Quezon Avenue hanggang Ayala Avenue ay pwedeng gamitin ng mga pribadong sasakyan.
Sa larawang ibinahagi sa Facebook ni MMDA spokesperson Celine Pialago makikitang nilagyan na ng barrier ang isang lane na nasa tabi ng MRT.
Ito kasi ay ipagagamit lamang sa mga bus.
Hindi gaya ng normal na araw at oras ng rush hour, hindi pa ganoon kadami ang bumiyahe sa EDSA ngayong unang araw ng pag-iral ng General Community Quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.