Pulis na kinasuhan ng murder dahil sa pagkamatay ni George Floyd isinailalim sa ‘suicide watch’

By Dona Dominguez-Cargullo June 01, 2020 - 08:45 AM

Isinailalim sa ‘suicide watch’ ang pulis na kinasuhan dahil sa pagkamatay ni George Floyd.

Ang pulis na si Derek Chauvin ay inaresto noong Biyernes matapos ang pagkasawi ni ng 46 anyos na si Floyd sa Minneapolis.

Si Chauvin ang nakita sa video na nakaluhod sa leeg ni Floyd.

Nakakulong ngayon si Chauvin sa Ramsey County Jail at nahaharap sa mga kasong 3rd-degree murder at 2nd-degree manslaughter.

Dinala ito sa isolation at masusing binabantayan.

Nilagyan din ng 24/7 camera ang kaniyang selda at kada 15 minuto ay tinitignan siya ng mga guard on duty.

Ang pagkasawi ni Floyd ay nagbunsod sa matinding mga protesta sa Minnesota at iba pang bahagi ng US.

 

 

TAGS: 2nd-degree manslaughter, Derek Chauvin, George Floyd, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2nd-degree manslaughter, Derek Chauvin, George Floyd, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.