90 Chinese, 2 Malaysian huli sa illegal POGO sa Cavite

By Jan Escosio May 31, 2020 - 01:41 PM

Dahil sa madalas na pagtambay, hindi pagsusuot ng mask at hindi pagsunod sa physical distancing, 90 Chinese citizens at 2 Malaysian citizens ang naaresto sa Bacoor, Cavite.

Ngunit sa ulat ng Anti-Organized Crime Unit ng PNP-CIDG, nadiskubre rin na ang mga banyaga ay sangkot sa operasyon ng illegal online gambling.

Nabatid na ang isinasagawa ang ilegal na operasyon sa garahe ng Mariche Apartelle sa Barangay Mabolo.

Narekober sa operasyon ang 53 laptops, 102 cellphones, isang passport, isang keyboard, at P5.3 million cash.

Walang nakuhang passport sa mga inaresto at wala rin silang naipakitang mga dokumento para sa kanilang operasyon.

Paunang mga kaso ng paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, PD 1602 at RA 9287 (illegal number games) ang isasampa laban sa mga inarestong banyaga.

TAGS: illegal online Gambling, illegal POGO, Inquirer News, PNP-CIDG Anti-Organized Crime Unit, Radyo Inquirer news, illegal online Gambling, illegal POGO, Inquirer News, PNP-CIDG Anti-Organized Crime Unit, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.