Inilabas ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 ang magiging oras ng kanilang pagbabalik-operasyon sa Lunes, June 1.
Ito ay kasabay ng pagsailalim ng Metro Manila sa general community quarantine.
Ayon sa DOTr MRT-3, tuwing Lunes hanggabg Biyernes, magsisimula ang unang biyahe mula North Avenue Station bandang 5:30 ng madaling-araw habang ang huling biyahe ay dakong 9:10 ng gabi.
Sa Taft Avenue naman, 5:30 ng madaling-araw din tatakbo ang unang biyahe at 10:11 ng gabi naman ang huling biyahe.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na kaparehong oras din ang itinakda tuwing Sabado at Linggo.
Kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na isasailalim na sa GCQ simula sa June 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.