Naipamahaging ayuda sa mga residente ng Makati, umabot sa higit P1-B
Umabot na sa mahigit P1 bilyon ang naipamahaging tulong-pinansiyal ng Makati City government sa pamamagitan ng electronic money transfer.
Ayon kay Mayor Abby Binay, nasa mahigit 207,000 residente na sa lungsod ang naging benepisyaro ng Makatizen Economic Relief Program (MREP).
Sa ilalim ng naturang programa, nakatanggap ang bawat benepisyaryo ng P5,000 cash aid.
Natuwa naman ang alkalde dahil maraming residente sa lungsod ang nabigyan ng ayuda na naging tulong sa pagbili ng pagkain, pagbayad ng tubig at kuryente.
Maliban dito, nakapagsimula rin ng negosyo ang iba pang benepisyaryo.
Kwalipikado bilang benepisyaryo ng naturang programa ang mga residente ng Makati City na edad 18 pataas, kasama ang mga nakatira sa relocation areas sa San Jose del Monte City, Bulacan at Calauan, Laguna.
Rehistrado dapat ang residente bilang Makatizen cardholder o Yellow Cardholder o botante ng Makati City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.