Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo May 29, 2020 - 01:57 PM

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas ala 1:35 ng hapon ng Biyernes, May 29 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at Laguna sa susunod na mga oras.

Heavy to intense na pag-ulan naman ang nararanasan na sa bayan ng Mayantoc at San Jose sa Tarlac; Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, at Cabangan sa Zambales; Bagac, Bataan; Tanza, Naic, Trece Martires, Maragondon, Magallanes, Indang at General Emilio Aguinaldo sa Cavite; Nasugbu, Batangas; Rodriguez, Rizal; Burdeos at Panulukan sa Quezon at sa Norzagaray at Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

TAGS: cavite, Inquirer News, laguna, Metro Manila, News in the Philippines, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory, cavite, Inquirer News, laguna, Metro Manila, News in the Philippines, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.