International travel restrictions ipatutupad pa rin sa ilalim ng GCQ – BI
Ipatutupad pa di ng Bureau of Immigration (BI) ang international flight travel restrictions sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabila ng napipinto nang pag-iral ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila simula sa June 1.
Sa pahayag sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente tuloy ang pag-iral ng travel restrictions na unang ipinatupad sa ilalim ng ECQ at MECQ.
Nananatili din aniyang skeletal at rotational ang deployment ng mga tauhan ng BI sa NAIA.
Sa kabila nito, tiniyak ni Morente na handa naman ang BI sakaling payagan na ang normal operations sa mga paliparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.