Pagpapalawig sa Bayanihan to Heal as One Act sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte
Nakatakdang sesertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagpapalawig sa Bayanihan to Heal as One Act.
Sa ilalim ng panukala ni Senate Majority Leader Migz Zubiri, palalawigin ang pag-iral ng batas hanggang sa Sept. 30, 2020.
Ayon kay Zubiri sa sandaling matanggap ng Malakanyang ang committee report ng senado ay sesertipikahan itong urgent ng pangulo.
Sinabi ito ni Zubiri matapos ihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tatlong sesyon na lamang ang nalalabi sa kongreso bago ang mag-adjourn sa susunod na linggo.
“They’re just waiting for the committee report. They wait for the committee report before they issue the certification,” ayon kay Zubiri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.