Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin ayon sa PAGASA
Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 12:37 ng tanghali ng Biyernes, May 29 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ilan ang mararanasan sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, at Laguna sa susunod na mga oras.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan bayan ng Panulukan sa Quezon; Magallanes, Silang, Maragondon, at Naic sa Cavite; at sa Nasugbu, Batangas.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.