40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Sta. Cruz Maynila
Tinatayang aabot sa P1.5 milyon na halaga ng mga ari-arian ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa Oroqueta Street cor. Laguna Street, Sta. Cruz, Maynila
Ayon kay Manila BFP Fire Marshal Supt. Jaime Ramirez, nasa 40 pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa sunog na nagsimula alas 7:17 ng umaga at idineklarang fire under control dakong 8:08 na umabot sa ika-apat na alarma.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng unit na tinutuluyan ng pamilya ni Mary Jane Bigcas.
Umabot sa 20 pintong apartment ang tinupok ng apoy dahil pawang luma na at gawa sa kahoy ang mga bahay.
Isa namang 65-anyos na lola ang nagtamo ng minor injury sa paa at tumaas ang blood pressure sa kasagsagan ng sunog.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga arson investigator ng BFP upang mabatid ang pinagmulan ng apoy sa nasabing sunog.
Alas 9:18 nang ideklarang fire out ang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.