Bike lanes dapat ayusin, bicycle parking spaces dapat mayroon sa mga public places
Habang umiiral pa rin ang community quarantine sa Metro Manila, hinihikayat ni Senator Francis Tolentino ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya na magtalaga o ayusin ang mga bicycle lanes.
Sa inihain niyang Senate Resolution No. 411, hiniling ni Tolentino sa DPWH, DILG at MMDA na magtakda ng bike lanes.
Hirit niya may mga PUV at bus lanes sa Metro Manila na hindi naman ganap na napapakinabangan dahil suspindido ang pampublikong transportasyon at aniya ang mga ito ay maaring maitalagang bike lanes.
Naniniwala ang senador na kapag may bikes lanes mahihikayat naman ang mga empleado na mag-bisikleta na lamang papasok sa trabaho ngayon ipapatupad na ang GCQ sa Metro Manila.
Banggit ng senador, 24 porsiyento ng populasyon sa bansa ay may bisikleta samantalang anim na porsiyento lang ang may sasakyan.
Kaugnay pa nito, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat maglagay na rin ng safe parking spaces para sa mga bisikleta sa lahat ng mga opisina, kasama na sa mga ahensiya ng gobyerno at sa mga pampublikong lugar.
Makakahikayat ito aniya ng mga empleado na mag-bisikleta na lang pagpasok sa kanilang trabaho.
Diin nito dapat naman ay libre na ang pagparada ng mga bisikleta dahil maniningil pa niya ng parking fee ay kaswapangan na ito at hindi naman malaki ang gagastusin para sa bicycle parking space.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.