18 bayan sa Laguna ang COVID-19 free

By Dona Dominguez-Cargullo May 28, 2020 - 08:04 AM

Mayroong 18 bayan sa lalawigan ng Laguna ang COVID-19 free o walang kahit isang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Laguna Gov. Ramil Hernandez, kabilang dito ang mga bayan na dati nang nakapagtala ng COVID-19 cases pero ngayon ay COVID-free na at ang mga bayan na simula pa noong una ay hindi nakapagtala ng kaso ng COVID-19.

Narito ang mga lugar sa Laguna na ngayon ay COVID-19 free:

– Alaminos
– Bay
– Calauan
– Famy
– Kalayaan
– Liliw
– Luisiana
– Lumban
– Mabitac
– Magdalena
– Majayjay
– Nagcarlan
– Paete
– Pagsanjan
– Pangil
– Rizal
– San Pablo
– Santa Cruz
– Santa Maria
– Siniloan

Sa nasabing mga lugar, ang mga bayan ng Luisiana, Pangil at Siniloan ay hindi pa nakapagtala kahit isang kaso ng COVID-19.

Habang ang iba ay dati nang may kaso, pero naka-recover na ang mga pasyente.

Senyales ito ayon kay Hernandez na mataas ang recovery rate sa Laguna.

 

 

TAGS: COVID 19-free, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, laguna, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID 19-free, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, laguna, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.