Unang kaso ng COVID-19 sa Baybay City sa Leyte, bahagi ng Balik-Probinsya Program

By Dona Dominguez-Cargullo May 28, 2020 - 05:45 AM

Nakapagtala na nang unang kaso ng COVID-19 sa Baybay City, Leyte.

Ayon kay Baybay City Mayor Jose Carlos Cari ang unang pasyente ng COVID-19 sa kanilang lugar ay bahagi ng unang batch ng mga umuwi sa ilalim ng “Balik Probinsya program”.

Lahat aniya ng umuwi ay isinailalim sa quarantine at rapid test.

Ang mga nagpositibo sa rapid test ay isinailalim sa PCR test at isa nga dito ang nakumpirmang positibo sa sakit.

Wala pang direktang contact sa kaniyang pamilya ang pasyente.

Noong Biyernes, 11 katao ang umuwi sa Baybay City sa ilalim ng Balik Probinsya program habang noong Sabado ay 12 OFWs naman ang dumating sa lungsod.

 

 

TAGS: Baybay City, covid case, leyte, Baybay City, covid case, leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.