Bilang ng mga nakarecover na sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 307
Muling nadagdagan ang bilang ng mga naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.
Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 307 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling (Miyerkules, May 27, 7:00 PM).
Ang bilang naman ng mga active cases ay nasa 91 na lamang.
Narito ang mga lugar na may active COVID-19 cases:
San Pedro (Larger Community) – 7
San Pedro (BJMP) – 56
Los Banos-3
Calamba – 10
Biñan – 4
Santa Rosa – 5
Cabuyao – 2
Victoria – 2
Cavinti – 1
Pakil – 1
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths ay 36.
Ang kabuuang bilang naman ng kaso ng mga nagpositibo sa virus sa lalawigan ay 434.
Samantala, 1,406 ang suspected cases at 68 ang probable cases sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.