Karagdagang 23 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (May 27), umakyat na sa 1,301 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 819 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 229 cases.
Sumunod dito ang Sampaloc na may 101 na kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 752 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,815 ang suspected cases.
Pumalo naman sa 384 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila matapos maitala ang 14 na bagong gumaling.
Nanatili naman sa 98 ang pumanaw sa lungsod dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.