Dagupan City at Sangley Point, Cavite City nakapagtala ng pinakamataas na heat index
Nakapagtala ng mataas na heat index ang 6 na lugar sa bansa, araw ng Miyerkules, May 27.
Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Dagupan City at Sangley Point, Cavite City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 48 degrees Celsius (alas2:00 ng hapon).
Naitala rin ang 47 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa Maasin City at Legazpi City.
Samantala, naitala naman ang 45 degrees Celsius na heat index sa Science City of Muñoz at Roxas City alas-2:00 ng hapon.
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.