Sinimulan na ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa Dagupan City, Pangasinan araw ng Miyerkules, May 27.
Ayon sa Dagupan City Public Information Office, kinuhanan ng swab sample ang government frontliners sa pangunguna ni Mayor Brian Lim para sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Sakop ng pagsusuri ang 600 frontliners sa nasabing lugar.
Kabilang na rito ang ang barangay nurses at health workers.
Dadalhin ang mga specimen sa Philippine Red Cross na siyang magsasagawa ng laboratory tests.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.