P10.1-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Zamboanga City

By Angellic Jordan May 27, 2020 - 05:39 PM

Nasamsam ng Bureau of Customs – Port of Zamboanga ang 300 cases ng iba’t ibang smuggled na sigarilyo sa Zamboanga City noong Martes, May 26.

Nakuha ng BOC ang mga sigarilyo, katuwang ang Zamboanga City Police Station 8 at Joint Task Force Zamboanga sa bahagi ng Istanbak sa Barangay Lower Calarian.

Ayon sa ahensya, ang mga smuggled na sigarilyo ay may brand na Gundang Baru, Cannon White, Famous, Canyon, Berlin at Fort cigarettes.

Nagkakahalaga ang mga smuggled na sigarilyo ng P10,125,000 na posibleng nagmula sa Malaysia o Indonesia at ipakakalat sa ZAMBASULTA area.

Nag-ugat ang operasyon base sa mga natanggap na impormasyon mula sa ilang indibidwal na sangkot sa cigarette smuggling sa Lower Calarian malapit sa Petron Depot.

Naiturn-over na ang mga nakuhang sigarilyo sa BOC-Zamboanga para sa Warrant of Seizure and Detention bunsod ng paglabag sa Executive Order No. 245 na may titulong “Amended Rules and Regulations Governing the Exportation and Importation of Leaf Tobacco and Tobacco Products” at Section 117 ng Republic Act no. 10863 otherwise o Customs Modernization and Tariff Act.

TAGS: BOC, BOC - Port of Zamboanga, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cigarettes, BOC, BOC - Port of Zamboanga, Inquirer News, Radyo Inquirer news, smuggled cigarettes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.