29 pang Filipino sa abroad ang tinamaan ng COVID-19 – DFA
Nasa 29 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 27, 2,664 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 47 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,400 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nadagdagan naman ng 25 ang bilang ng gumaling kung kaya 930 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, umakyat naman sa 334 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 matapos madagdagan ng apat pa.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 801 na kaso.
Sumunod dito ang Middle East/Africa na may 757 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 633 naman ang kaso sa Americas at 473 sa Asia Pacific Region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.