Medical frontliners exempted sa ipatutupad na modified number coding scheme – MMDA
Ecempted sa pag-iral ng modified number coding scheme ang mga medical frontliner sa sandaling magpatupad na muli ng number coding sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia may pribilehiyo ang mga medical frontliners na gamitin ang kanilang sasakyan kahit coding.
“The MMDA understands the plight of the medical frontliners so we want to assist them during this challenging time. We hope that by exempting them from the modified number coding scheme, we are helping to provide ease and convenience to their daily transport,” ayon kay Garcia.
Kabilang ang pagpaptupad ng modified number coding scheme sa natalakay sa pulong MMC noong Martes ng gabi.
Ipatutupad ito sa sandaling pairalin na ang general community quarantine sa Metro Manila.
Kasama din sa papayagan sa modified number coding scheme ang mga pribadong sasakyan na may lulang dalawa o higit pa na pasahero.
Kapag umiral na nag GCQ sa Metro Manila ay hindi pa din papayagan ang pagbiyahe ng mga jeep at bus dahil ayon sa MMDA mahirap pairalin at tiyakin na nasusunod ang social distancing sa nasabing mga sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.