Pagkakatanggal kay Aquino sa PDEA hindi isyu ng “lost of trust and confidence” ayon sa Malakanyang
Hindi isyu ng “lost of trust and confidence” ang pagkakasibak sa pwesto kay outgoing Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino.
Ginawa ni Presidential spokesperson Harry Roque ang paglilinaw kasabay ng pagkumpirma na inilipat si Aquino sa Clark International Airport Corporation.
Ani Roque ang pag-alis kay Aquino sa PDEA ay dahil sa binigyan siya ng bagong assignment ng pangulo.
Una nang kinumpirma ng tagapagsalita ng PDEA na si Derrick Carreon na hindi nagbitiw bilang director general ng PDEA si Aquino.
Sa halip ay inalis ito sa pwesto dahil bibigyan ng ibang posisyon sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.