Enrollment sa public schools tuloy sa June 1 ayon sa Malakanyang
Magpapatuloy ang pagsisimula ng enrollment para sa public schools sa June 1, 2020.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tuloy ang nauna nang itinakdang petsa ng Department of Education (DepEd) para sa enrollment ng mga mag-aaral.
Una nang sinabi ng DepEd na gagawin ang enrollment sa public schools mula June 1 hanggang June 30.
Sinabi ni Roque na ang pahayag ni Pangulong Duterte na “no vaccine no classes” ay para lamang sa face-to-face classes.
Ani Roque, pwedeng ituloy pa rin ang klase gamit ang blended learning at online classes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.