Heat index sa Metro Manila, pumalo sa 41 degrees Celsius

By Mary Rose Cabrales May 26, 2020 - 08:36 PM

Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Martes (May 26).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 41 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon alas-2:00 ng hapon.

Umabot naman sa 33.0 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index.

Maaari anilang magdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kung tuluy-tuloy ang physical activity.

Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index, Inquirer News, Pagasa, quezon city, Radyo Inquirer news, weather update May 26, heat index, Inquirer News, Pagasa, quezon city, Radyo Inquirer news, weather update May 26

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.