Metro Manila, kalapit na mga lalawigan uulanin sa susunod na mga oras
Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bataan, Cavite, Laguna at Rizal.
Ganitong lagay naman na ng panahon ang nararanasan sa Mayantoc, San Clemente, San Jose, Capas, at Bamban sa Tarlac; Candelaria at Masinloc sa Zambales; Mabalacat sa Pampanga, mga bayan ng Poliliom Burdeos, Panukulan, General Nakar at Real sa Quezon; at sa Rosario Batangas.
Pinayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar at landslide sa bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.