LOOK: SC sinimulan na ang pagsasagawa ng rapid test sa mga empleyado
Sinimulan na ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng rapid testing para sa COVID-19 sa kanilang mga empleyado.
Ngayong araw naka-set up na sa Supreme Court grounds sa Padre Faura Street sa Maynila ang testing sites.
Personal namang ininspeksyon ni SC Chief Justice Diosdado Macapagal ang testing sites kung saan isasagawa ang pagkuha ng swab samples sa mga empleyado.
Una nag siniguro ng SC na ang mga empleyado nilang bahagi ng kanilang skeletal work force ay sasailalim sa COVID test.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan nila at kanilang pamilya gayundin ang mga may transaksyon sa Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.